Posted in Poems

To The ONE Who Sees Me

My heart aches because of things that frustrate me

Things I cannot control; things that are beyond my reach

Things I wish  could change; things I wish did not happen

Things that bring disunity to my family.

 

Forgive us for all our sins, won’t YOU?

Forgive us for the wrong choices we’ve made

Forgive us for choosing our own ways over YOURS

Forgive us for dishonoring YOUR name over and over again.

 

Will YOU please bring peace to our chaotic situation?

Will YOU please help us forgive one another?

Will YOU please teach us how to love unconditionally?

Will YOU please grant us wisdom to choose the paths we take wisely? 

 

Thank you for YOUR unfailing and unconditional love

Despite our shortcomings, YOU never stopped loving us

In spite of all the wrong things we have done to YOU and others

YOUR hands are always ready to rescue and protect us.

 

Truly YOU are good, loving, and indescribable

YOUR undying love for us is beyond compare

Who can fathom the depths of YOUR love?

Surely, no one else can love us the way YOU do.

 

To the ONE who sees me, my life is YOURS and YOURS alone!

Posted in Maikling Kuwento, Tagalog Posts

Maling Akala (Part 2)

Laking gulat ni Lisa nang makita niyang may Messenger message siya mula kay Andy ilang linggo matapos ang conference na dinaluhan niya sa Australia – kung saan niya nakilala si Andy.

Paano niya nahanap ang Messenger account ko? Bigla siyang nawala tapos ngayon bigla lang siyang magpaparamdam? Ano kayang trip ng taong ito? Ito ang mga tanong ni Lisa sa sarili matapos makitang mula kay Andy nga ang nasabing mensahe.

Kumusta ka na, Lisa? Nakabalik ka na siguro sa lugar niyo. Sana nasa mabuti kang kalagayan.” – Andy

Hindi mawari ni Lisa kung dapat ba siyang mag-reply o babalewalain niya na lang ang message ni Andy. Sa kabila ng hindi niya maintindihang ugali ni Andy na lulubog, lilitaw,  minabuti na ni Lisa na sumagot sa mensaheng natanggap.

Matapos ang ilang palitan ng mga mensahe, nagkasundo silang magkita.

Tuwang-tuwa si Lisa nang makita niyang muli si Andy. Pumunta sila sa isang park at nag-usap. Ayaw ni Lisa na masira ang moment nila kaya minabuti niyang huwag nang tanungin si Andy kung bakit hindi ito nagpakita sa kanya sa mga huling araw ng conference sa Australia.

Masaya silang nag-usap buong araw. Maraming nalaman si Lisa tungkol kay Andy. Muling namutawi ang pag-aasam ni Lisa na sana nga maging sila ni Andy.

Nasa kalagitnaan sila ng isang masayang kwentuhan ng may narinig silang maingay na tunog.

Ano ba yan! Kanino bang alarm clock yan? Ang ingay naman! Ito ang mga katagang nasambit ni Lisa. Nagpalingon-lingon siya para hanapin kung saan nagmumula ang tunog ng alarm clock. Ilang saglit pa’y nagising siya at natantong nananaginip lang pala siya.

Parang may puwang sa puso na naramdaman si Lisa nang mapagtanto niyang panaginip lang pala ang lahat. Sa lungkot ay nasulat niya ang tulang ito:

Panaginip

Sa panaginip na lang ba kita muling makikita?

Sa panaginip ko na lang ba masisilayan ang mapupungay mong mga mata?

Sa panaginip ko na lang ba masusulyapan ang mga matatamis mong ngiti?

Sa panaginip ko na lang ba masasambit ang pananabik na makita kang muli?

 

Sa panaginip na lang ba tayo magkakatagpo’t magkukulitan?

Sa panaginip na nga lang ba tayo muling makapagkwentuhan?

Magtatagpo pa kaya ang landas nating dalawa?

O sa panaginip na lang talaga kita muling makakasama?

Posted in Maikling Kuwento, Tagalog Posts

Maling Akala (Part 1)

Matagal na panahong nanahimik ang puso ni Lisa. Matagal na panahong inasam na sana’y sa kanya ay may magmamahal muli.

Ngunit sa kabila ng paghahangad ay mga pangamba – mga pangambang baka ang puso’y muling masaktan, na baka muling iwanan ng taong minamahal, o baka muling umiyak lang at maiwan na namang mag-isa.

Kailan ba muling mabubuksan ang puso? Kailan ba muling sa akin ay may magmamahal? O kailan ba ako matututong magmahal muli?

Ito ang mga tanong ni Lisa sa sarili nang makilala niya si Andy. Nagkakilala sila sa isang conference na dinaluhan nila sa Australia.

Masipag. Mabait. Mapagmahal. May paninindigan.

Yan ang mga katangiang nakita ni Lisa kay Andy sa maikling panahong sila’y nagkasama. Sa kabila ng takot na nadarama, handa si Lisang sumugal muli at buksan ang puso para kay Andy.

Pero dapat nga bang pagkatiwalaan niya si Andy? Natanong ni Lisa sa sarili.

Ilang araw pa lang silang nagkakasama. Hindi niya pa ito lubusang kilala. Hindi niya pa nga napapatunayan kung tama nga ba ang kanyang first impressions tungkol kay Andy.

Alam yun lahat ni Lisa. Batid niya sa sarili na maaari siyang masaktan muli. Alam niyang hindi pa sapat ang mga araw na nagkasama sila para lubusan niyang makilala si Andy.

Sa kabila ng lahat ng kanyang mga agam-agam, handa na sana siyang muling buksan ang puso para sa bagong pag-ibig subalit hindi na muling nagpakita si Andy. Ni hindi man lang pala sila nakapagbigay ng contact numbers sa isa’t isa.

Gayunpaman, umasa siyang muli silang magkikita at makapag-usap bago tuluyang matapos ang conference, ngunit walang Andy na nagpakita hanggang sa huling araw niya sa Australia.

Panahon na para umuwi. Panahon na para bumalik sa kanyang totoong mundo. Panahon na para muling harapin ang katotohanan.

Hanggang doon na lang ba yun?

Ganun lang ba ka simpleng balewalain ang posibilidad na pwede sanang maging kami?

Mali ba ako para isiping pwede ko nang muling buksan ang puso para kay Andy?

Walang ibang magawa si Lisa kundi tanungin ang mga bituing nasisilayan sa kalangitan na wala namang sagot na maibigay sa kanya.

Akala niya si Andy na ang susunod at huli niyang mamahalin; ang taong makakasama niya hanggang sa pagtanda.

Pero mukhang hindi pa rin pala.

Mukhang ang lahat ay isa lang maling akala.